NASYONALISMO
Iba-iba ang
pananaw ng mga
Pilipino tungkol sa nasyonalismo. Kapag tinatanong sa mgakabataang Pilipino kung ano ang kahulugan ng Nasyonalismo,
ang kadalasang sinasagot nila ay ang pagmamahal at pagiging tapat sa bayan o sa mas simpleng konteksto, ang pagiging makabayan.
Ang salitang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na "nacion" o ang pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan at salitang "nasyon" na pangkat ng indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isat isa.
Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa "damdamingn makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan." Higit na binibigyang diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kanila sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangalagaan ito.
Ngunit ang mabigat na tanong, Paano nga ba maipakikita ng isang pilipino ang kanyang pagkamakabayan? Ano ang kahalagahan ng nasyonalismo sa mga pilipino?
No comments:
Post a Comment