IPAGMALAKI NA TAYO'Y MGA PINOY!
TAYO'Y MGA PINOY! HINDI TAYO KANO!
Lyrics of Tayo’y Mga Pinoy – Banyuhay (Heber Bartolome)
Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano
‘Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Dito sa Silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay: kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili
Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayro’n naman tayo
Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano
‘Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Dito sa Silangan, tayo’y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayro’n naman tayo
Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano
‘Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Mayro’ng isang aso, daig pa ang ulol
Siya’y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
‘Wag na lang
Mayro’ng isang aso, daig pa ang ulol
Siya’y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
‘Wag na, oy oy Oy, ika’y Pinoy
Oy, oy, ika’y Pinoy
No comments:
Post a Comment