Wednesday, October 12, 2016
Monday, October 10, 2016
Ang Pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Pilipinas at sa ibang panig na mundo kung saan Katoliko ang pangunahing relihiyon. Maituturing naman na sa Pilipinas ginaganap ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na magsisimula pagsapit ng Setyembre hanggang sa pista ng Tatlong Hari sa unang Linggo ng Enero.
Para sayo, ano ang kahulugan ng pasko? At ngayong darating na pasko, ano ang iyong hiling? :)
1. Kailangang apakan ng babaeng ikinakasal ang paa ng lalaki habang papunta sa altar upang siya ang maging dominante sa kanilang pagsasama.
2. Buwenas para sa ikinakasal kapag umulan sapagkat nangangahulugan ito ng kasaganaan sa kanilang pagsasama.
3. Ang sinumang babeng sumonod sa dinaanan ng bagong kasal habang nagpapaso sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
4. Masama para sa magkapatid ang magpakasal sa loob ng iisang taon.
5. Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal.
6. Kapag naunang tumayoang babaeng ikinasal mula sa pagkakaluhod sa seremonya ng kasal ay magiging dominante ito. Kabaligtaran naman kapag ang lalaki ang nauan.
7. Sa babaeng may asawa, kailangang kanang paa palagi ang unang ihakbang tuwing uuwi ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama.8. Para sa bagongkasal, ang sinumang maunang gumasta matapos ang kasal ang siyang magiging dominante sa kanilang pagsasama.
9. Kung Mayroon kang kasambahay na buntis, masama ang pumatay ng tuko sapagkat malamang na mamatay rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
10. Kapag pinalo ng buntis ang isang hayop ay ganoon din ang magiging mukha ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
11. Ang balat ng isang sanngol ay palatandaang ang kanyang ina ay mayroong pinaglihiang hindi niya nakain. Kailangang hipuin ng isang buntis ang kanyang puwit upang sa puwit din ng bata mapunta ang magiging balat nito.
12. Ang kutis o hitsura ng sanggol ay depende sa pinaglihian ng kanyang ina. Kapag mga mapuputi at magagandang bagay ang napaglihian ay ganun din ang magiging hitsura ng sanggol.
13. Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang buntis, siya ay magkakaanak ng babae. Kabaligtaran naman kapag sa kanan.
14. Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.
15. Kapag pinagtawanan ng isang buntis ang isang taong may kapansanan, ang kanyang magiging anak ay magkakaroon di ng ganoong kapansanan.
16. Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag kagampan ng kasambahay na buntis sapagkat tiyak na mahihirapan itong manganganak. Masama rin para sa isang buntis ang maupo sa hagdan ng bahay.
17. Kapag mayroong nagaganap na eklipse, kailangang magsilabas ng bahay ang mga buntis upang hindi maging abnormal ang kanilang magiging anak.18. Upang maging maginhawa at hindi mahirapang manganak ang isang babe, kailangan buksan ang lahat ng bintana at pintuan. Kailangan ding kalagin ang anumang buhol sa lubid sa paligid at maglagay ng kutsilyo o lanseta sa ilalim ng kama nito habang nanganganak.
19. Ang sinumang lalaki ay maglilihi kapag nahakbangan ng kanyang asawang naglilihi.
20. Kapag ang isang bagong silang sa sanggol ay dina mitan ng lumang damit, siya ay magiging matipid kapag lumaki.
21. Ang sinumang bagong silang na sanggol na umiyak nang malakas ay magkakaroon ng mahabang buhay.
22. Upang maging matalino ang bagong silang na sanggol, kailangang ibaon ang kanyang inunan sa lupa na mayroong kasamang lapis at papel.
23. Makabubuti kapag pabibinyagan ang bata sa parehong araw rin na siya ay ipinganak.
24. Ang isang sanggol ay magiging makaama kapag dinamitan ito ng damit na ginamit na ng ama. Kabaglitaran naman kapag damit na nagamit na ng ina ang isinuot dito.
25. Kapag ang isang sanggol ay mahilig dumila, ibig sabihin ay mayroong pagkaing napaglihian ang ina nito na hindi na kain.
26. Kapag ang anak na bibinyagan ay panganay, kailangang ang lolo o kaya ay ang lola ang siyang pumili ng ipapangalan sa bata upang magkaroon ito ng mahaba at masaganang buhay.
27. Kapag sabay na pabibinyagan ang anak na babae at lalaki, kailangang maunang binyagan ang lalaki sapagkat kapag nauna ang babae ay hindi tutubuan ng balbas ang lalaki paglaki samantalang magkakabalbas naman ang babae. Malamang din na magkabaligtad ang kanilang ugali.
28. Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang masamang espiritu sa bata.
29. Kapag pinalo ng sandok o kaya ay hinalikan ang isang bata habang natutulog, lalaki itong pilyo o pilya.
30. Masamang maglagay ng pabango sa isang sanggol sapagkat siya ay kagigiliwan ng mga anghel kaya't malamang na mamatay ito.
31. Kapag ginupitan ng buhok ang isang batang wala pang isang taong gulang, lalaki itong matigas ang ulo. Gayundin kapag pinutulan ito ng kuko sa gayong edad.
32. Ang sinumang batang mayroong dalawang puyo o "cowlick" matigas ang ulo.
33. Masamang ipahalik ang sanggol sa kapwa sanggol sapagkat hindi ito matututong magsalita.
34. Kapag hinalikan ang sanngol habang dumudumi ito, magiging mabaho ang kanayang hininga paglaki.
35. Masamang magdaan sa bintana ang isang bata sapagkat malamang na lumaki itong isang magnanakaw o kaya ay magtanan ito kapag nag-asawa.
36. Sa libing, kailangang ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng hukay ng yumao upang huwag itong balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
37. Kapag ang hagdan ng bahay ay mayroong labintatlong baitang, ang may-ari ng bahay ay maagang mamatay o kaya ay maghihirap.
38. Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika-13 ng anumang buwan.
39. Masamang maglakbay kapag kayo ay labintatlo katao sapagkat malaman na mamatay ang isa sa inyo.
40. Malas ang gusaling mayroong ika-13 palapag.
41. Ikaw ay bubuwenasin sa inyong pupuntahan kapag ang kanan ng iyong sapatos ang una mong isinuot.
42. Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pag-aaway sa pamilya.
43. Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas.
44. Upang buwenasin ka sa inyong paglalakad, kailangang unahing isuot ang kanang medyas bago kaliwa.
45. Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan.
46. Kapag ikaw ay nakalabag sa batas trapiko, halikan mo ang iyong mga daliri at hipuin ang bubong ng iyong sasakyan upang hindi ka mahuli sa pulis.
47. Kapag ikaw ay napadaan sa isang yungib o tunnel, iwasan mo ang huminga at gumawa ng isang kahilingan habang nasa loob nito at iyon ay magkakatotoo.
48. Mamalasin ang sinumang maglalakbay kapag siya ay natalisod o kaya ay nadapa bago umalis ng bahay.
49. Kapag kayo ay lilipat ng tirahan, huwag dalhin ang pusa sa bagong lilipatang bahay upang hindi malasin ang inyong bagong tahanan.
50. Ang pusa ay mayroong siyam na buhay.
51. Kapag mayroong pusang sumunod sa iyo habang ikaw ay naglalakad, ikaw ay magkakapera.
52. Kapag ang isang pusa ay bumahing, ito ay nagpapahiwating ng pag-ulan.
53. Mamalasin ang sinumang magdadala ng pusa sa kanayng paglalakbay.
54. Kapag naglalaro ang pusa habang sakay ng barko, ibig sabihin ay mayroong magandang panahon.
55. Kapag ang pusa ay nagngingiyaw habang sakay ng barko, malamang na maaksidente ito.56. Kapag ikaw ay nagbaon ng pusang itim na buhay sa araw ng Biyernes Santo, balikan a ukayin mo ito sa Biyernes Santo ng susunod na taon upang ang mga buto nito maging anting-anting.
57. Hindi mahusay manghuli ng daga ang alinmag pusa na ipinanganak sa buwan ng Mayo.
58. Kapag ang inyong alagang pusa ay maghilamos ng kanayng mukha nang nakaharap sa pintuan, may darating kayong panuhin.
59. Kapag ikaw ay natinik, iahaplos mo sa kamay ng pusa ang iyong leeg upang maalis ang tinik.
60. Isang masamang palatandaan kapag mayroong itim na pusang tumawid sa inyong daraanan sapagkat malamang na ikaw ay maaksidente.
61. Ikaw ay bubuwenasin kapag ikaw ay nilapitan ng itim na pusa. Kabaligtarang naan ang mangyayari kapag nilayuan ka nito.
62. Masamang malapitan ng pusa ang isang sanggol sapagkat inaagaw nito ang kanyang hininga.
63. Masamang makakita ng puting pusa sa gabi.
64. Kapag mayroong pusang itim na lumalakad sa ilalim ng hagdan, mamalasin ang taong umakyat sa hagdanang iyon.
65. Upang balikan ka ng umalis na asawa, ilagay mo ang kanyang damit na naisuot na sa ilalim ng inyong lutuan at siya ay tiyak na magbabalik.
66. Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan ka rin ng isang kasambahay.
67. Kapag ikaw ay naligaw sa kagubatan, baligtarin mo ang iyong damit upang muli mong makita ang tamang daan pabalik.
68. Ang iyong kahilingan ay magkakatotoo kapag napatay mo ang mga kandila sa iyong birthday cake sa isang ihipan lamang.
69. Kung ano ang bilang ng mga ekis sa iyong kanang palad ang siya ring bilang ng iyong magiging anak.
70. Ang sinumang taong ipinanganak na mayroon ng ipin ay madaling mamamatay.
71. Ang sinumang taong mayroong malaking tainga ay magkakaroon ng mahabang buhay.
72. Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.
73. Kapag dumikit sa iyong ngala-ngala ang ostiya o kaya ay nahulog ito sa iyong pangungumunyon, ibig sabihin ay mayroon kang kasalanan na hindi naikumpisal.
74. Ang sinumang magnakaw ng abulog o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.
75. Ang sinumang makakakuha ng panyong ginamit na pantali sa ulo ng patay ay makapagnanakaw nang hindi mahuhuli. Ang panlaban dito ay ang paglalagay ng isang timbang tubig na mayroong kutsilyo sa likod ng iyong pinto.
76. Kapag ang inyong alagang aso ay nanganganak ng marami, itapon mo ang isa sa mga ito upang hindi ito mamatay isa-isa at lumaki ang natitira pang mga tuta nang malusog.
77. Kapag ang inyong aso ay nagsusungkal o naghuhukay ng lupa sa loob ng bakuran, nagbabadya ito ng kamatayan sa inyong pamilya.
78. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas.
79. Ang sinumang sanggol na makakain ng ari ng babaeng baboy ay magiging madaldal paglaki.
80. Iwasang lumapit sa kulungan ng mga baka kapag kumukulog at kumikidlat sapagkat ang mga baka ay nakaaakit ng kidlat.
81. Kapag ang buntot ng baka ay bahagyang nakataas, ibig sabihin ay malapit nang umulan.
82. Masamang hipuin ng babae o kaya ay hakbangan nito ang mga kagamitan ng isang mangingisda sapagkat malamang na hindi ito makahuli ng isda.
83. Masamang mangisda kapag mayroong namatay sa inyong tahanan.
84. Magkakaroon ng maraming huli ang isang mangingisda kapag siya ay nakasalubong o nakakita ng paruparu habang patungo sa dagat.
85. Kapag ang isang mangingisda ay lumingon sa kanyang likuran o sa pinanggalingan habang patungo sa dagat ay kaunti lamang ang mahuhuli nitong isda.
86. Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-alaga ng putting kabayo.
87. Ikaw ay susuwertehin sa buhay kapag mayroong ahas na bumagtas sa iyong dinaraanan.
88. Kapag iyong minura at pinagsalitaan ang mga daga, lalo itong mamiminsala sa inyong mga kagamitan tulad ng damit at iba pa.
89. Ikaw ay mamalasin sa buhay kapag ikaw ay pumatay o kaya ay nagwasak ng bahay ng gagamba.
90. Ikaw ay bubuwenasin kapag mayroong gagambang nahulog sa iyong ulo o mukha.
91. Kapag may nakita kayong gagambang gumagapang sa inyong suot na damit, kayo ay makakatanggap ng salapi sa lalong madaling panahon.
92. Kapag may bubuyog na dumapo sa sanggol habang natutulog, nangangahulugan na magkakaroon ng magandang kapalaran ang bata.
93. Kailangang magbuhol ng inyong panyo kapag ikaw ay nakarinig ng huni ng kuwago sa katanghalian upang hindi magkaroon ng masamang pangyayari.
94. Kapag nakarinig kayo ng huni ng kuwago malapit sa inyong lugar sa hatinggabi, ibig sabihin ay mayroong mamamatay.
95. Kapag mayroong pumasok na paniki sa loob ng inyong tahanan, ito ay nangangahulugang mayroong taong mamamatay.
96. Kapag ikaw ay dinapuan ng putting paruparu habang ikaw ay nasa loob ng simbahan, ibig sabihin ay kinalulugdan ka ng Diyos.
97. Kapag mayroong putting paruparo sa inyong tahanan habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay malinis ang kaluluwa ng taong namatay.
98. Kapag puti ang kulay ng unang paruparong makikita sa isang araw, ikaw ay bubuwenasin sa maghapon.
99. Masuwerti sa buhay ang magsuot ng damit na mayroong disenyo ng mga paruparo.Masamang pumutak ang inahing manok kung gabi sapagkat malamang na mayroong mamatay sa inyong lugar.
100. Kapag nakakuha kayo ng pitso o "wishbone" habang kumakain ng manok, pagtulungan ninyo itong baliin at sinuman ang makakuha ng dulong korona nito ay matutupad ang kanyang kahilingan.
101. Bubuwenasin sa buhay ang sinumang bagong kasal kapag ang kanilang alagang inahing manok ay putak nang putak.
102. Ang itlog na iniluwal nang biyernes santo ay hindi nabubugok.
103. Masamang mag katay ng manok habang may nakaburol sa inyong tahanan sapagkat malamang na may sumunod na mamatay sa inyong pamilya.
104. Bubuwenasin sa buhay ang sinumang mag-aalaga ng putting tandang.
105. Kapag tumilaok ang tandang habang nakaharap sa pintuan, mayroon kang panauhin na darating.
106. Ang sinumang taong may dalang tandang patungo sa sabungan at may nakasalubong na patay o buntis ay tiyak na matatalo.
107. Ang kuliglig ay nakapagdadala ng suwerte sa tahanan.
108. Isang masamang palatandaan kapag kayo ay nakarinig ng huni ng uwak malapit sa inyong tahanan sapagkat malamang na mayroong mangyayaring masama sa inyong pamilya.
Subscribe to:
Posts (Atom)